JIA Community UAE logoJIA Community UAEBible Study Roadmap
← Back to Lesson

Mark 10:46-52

Blind Bartimaeus · Stage 01, lesson 09

The original teaching text is reproduced below without translation. The page layout has been adjusted for reading on a phone.

Mark 10: 46-52

Sila ay dumating sa Jerico. Habang si Hesus na kasama ang Kanyang mga alagad at ang napakaraming tao ay papalabas sa Jerico, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Nang marinig niya na si Hesus na taga-Nazaret ang naroon, nagsimula siyang sumigaw. Sinabi niya: O anak ni David, Hesus, mahabag ka sa akin.  Sinaway siya ng napakaraming tao upang tumahimik. Ngunit lalo siyang sumigaw: Anak ni David, mahabag ka sa akin. Huminto si Hesus at ipinatawag siya. Tinawag nila ang bulag na sinasabi: Lakasan mo ang iyong loob, tumindig ka, tinatawag ka ni Hesus. Itinapon niya ang kaniyang balabal, tumindig at lumapit kay Hesus. Sinabi sa kanya ni Hesus: Ano ang nais mong gawin ko sa iyo? Sumagot ang bulag at sinabi: Guro, nais kong matanggap ang aking paningin. Sinabi ni Hesus: Humayo ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Kaagad tinanggap ng bulag ang kaniyang paningin. Siya ay sumunod kay Hesus sa daan.

Introduction

Ito ang karaniwang larawan kapag si Hesus ay pumupunta sa anumang lugar bunga marahil sa mga himala na kanyang ginagawa na bahagi ng katuparan ng mga itinakdang gagawin niya dito sa lupa ayon sa Luke 4:18-19.

I. Pagbabalik Tanaw sa Kasaysayan

a. Si Bartimeo – bulag na anak ng ama na si Timeo na namamalimos sa daan

b. Sumigaw ng marinig na si Hesus ay dumadaan - Hesus mahabag ka sa akin

c. Sinaway ng mga tao upang tumahimik subalit lalong sumigaw na humihingi ng habag

d. Huminto si Hesus at tinawag si Bartimeo

e. Itinapon ang balabal, tumindig at lumapit kay Hesus

f. Tinanong ni Hesus kung ano ang nais niyang gawin ni Hesus sa kanya

g. Sumagot na makakita siya

h. Ang sabi ni Hesus ay humayo ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya

i. Kaagad tinanggap ang kanyang paningin

j. Sumunod kay Hesus sa daan

II. Mga leksiyong dapat matutunan

a. Lumapit sa Diyos ng mula sa puso – “Hesus mahabag ka sa akin”

1. Walang pagkukunwari

2. Ihayag ang buong katotohanan at kalagayan ng buhay

3. Hindi nahiya kaya nga sumigaw siya.

b. Naririnig ng Diyos ang lahat ng ating mga daing

Note: Batid ng Diyos ang lahat ng ating kailangan

1. Parang di narinig noong una siyang sumigaw kaya kanyang inulit

2. Tinitingnan ng Diyos kung makatotohanan ang ating pagtawag

3. Hindi dapat magpapigil sa anumang balakid

c. Tanggalin ang lahat ng sagabal sa paglapit sa Panginoon- Matt.11:28-30

* Kasalanan, kataasan, maling kaisipan/paniniwala- sumisimbulo sa balabal

d. Magdesisyong isuko ang lahat-lahat sa Panginoong Hesus – “Tumindig at lumapit kay Hesus”

III. Bunga ng Paglapit kay Hesus

a. Tinanggap agad ang kagalingan- Nakakita si Bartimeo.

Challenge: Kaya ding gawin ito ni Hesus sa iyo kung ikaw ay lalapit sa Kanya!

Back to Lesson & Share